
Treasure Mountain, Calinawan Cave, Daranak Falls, and Mt. Kulis
Want to witness the sea of clouds but don’t want to hike? Maybe this trip is for you. Let me share to you our quick trip away from the the hustle and bustle of Metro Manila.
Tanay is just a 2-hour drive away from Manila. For those seeking adventure or just a peaceful place to unwind near the city, try Tanay! We were able to go to four destinations in a day, so sulit na sulit ang lakad! Without further ado, let me share to you our recent trip to Tanay.
TREASURE MOUNTAIN
Sitio Maysawa, Brgy. Cuyambay, Tanay Rizal
Gustung-gusto ng mga hikers or even sightseers ang sea of clouds. Maraming kabundukan dito sa Pilipinas, or dito sa Luzon, na puwedeng akyatin para makita ito. Pero hindi naman lahat ay may kakayahang maghike. Kung isa ka rito, Treasure Mountain got you! Pinnable sa Waze or Google Maps ito, kaya madali rin matunton.
We went there on a weekday (Thursday), since umiiwas kami sa maraming tourists para mas ma-enjoy rin namin yung lugar. They have very accomodating staff, pagkapark namin, diretso na kami sa registration booth.

Here are their rates (as of March 2020)
Entrance Fee:
PHP 150 (day tour)
PHP 200 (overnight)
Maraming nag-oovernight dito lalo na yung gustong magstargazing o mag-abang ng sunrise.
Tent Pitching Fee – PHP300/tent
Tent rental:
PHP 500 (good for 2)
PHP 800 (good for 4)
Hammock Pitching Fee – PHP 150
Five-minute walk lang papunta sa campsite, kita mo na ang kabundukan ng Sierra Madre.


Usually raw ay tuwing 5AM-8AM nagpapakita ang sea of clouds. Sakto yung dating namin sa pagsikat ng araw. Sobrang ganda ng view!
Sikat din dito ang overlooking breakfast. Pero pagbisita namin, maraming ginagawa na development sa Treasure Mountain, and I’m sure para ito sa mas ikagaganda pa nung lugar.


After naming makapagpahinga, nagproceed kami sa spiderweb trail.
Rates (excluding entrance fee)
Spiderweb Trail: PHP 150
Whole Trail: PHP 250
Very friendly rin yung mga staff nila doon. In my opinion, medyo unhygienic yung mga gloves nila, better magbaon kasi hindi rin inaallow na walang gloves to prevent injury. Nonetheless, nag-enjoy naman kami sa pag-akyat doon. We were given 15 minutes to take pictures dun sa taas. Yung instructor ay pwede lang magtake ng group pictures pero kayo na bahala sa sariling photos. Haha! Buti talaga wala masyadong tao nung nagpunta kami.

CALINAWAN CAVE
Barangay Tandang Kutyo
After ng photo ops namin sa spiderweb trail ng Treasure Mountain, nagproceed na kami sa isa pa sa mga attractions sa Tanay – Calinawan Cave. Nag Google Maps lang din kami para makarating doon (36km away).

Mabilis naman makita ang kubo na ito kung saan may mini orientation about sa Calinawan cave.
Rates:
Entrance Fee: PHP 40
Tour Guide Fee: PHP 200

They provide helmets. Mayroon daw 5 layers yung cave. Pero hanggang layer 3 lang yung covered nung tour guide fee. If gusto ninyong tumuloy sa layers 4 and 5, love gift na lang daw para kay ate/kuyang tour guide ![]()

Hindi naman kailangan ng special skill sa page-explore ng Calinawan Cave. Magready nga lang kayo ng flash light since pagdating sa layer 2 ay zero visibility na.

Nagproceed kami sa layers 4 and 5 para makita rin namin. May ilang mga maliliit na spaces, and astig kasi bukod sa historical place ito, maraming mga teleserye na rin daw ang nagtape rito. Sana lang ay mapangalagaan at mapreserve pa natin ang natural na ganda ng Calinawan. Sabi ng aming tour guide, pinangalanan daw itong Calinawan dahil dito nagka-linawan ang mga guerilla noong araw.

Malapit na rin sa Calinawan Cave ang sikat na Daranak Falls.

Ang Daranak Falls naman ay 4.8km away from Calinawan Cave.

They are open everyday from 8AM-5PM. May mga kainan din sa loob at labas ng Daranak Falls kaya okay na rin. Pero kung may dala kayong sasakyan, better na iwan niyo na ang valuables ninyo doon kasi sa gilid-gilid lang pwede mag-iwan ng gamit, at hindi rin pwede sa may malapit sa falls mismo.

Nagpaparent din sila ng mga salbabida (PHP 50) para sa mga di masyado marunong lumangoy like us. Haha!
Saktong sakto ang lamig ng tubig sa Daranak. Kahit na thursday kami pumunta, medyo marami pa ring tao. May nearby falls din na mas konti ang tao, which is Batlag falls. Pero we opted to just stay in Daranak.
FRESNO AGRO FORESTRY ECO TOURIST CAMPSITE

We then ended the day watching the beautiful sunset in Fresno Agro Foresty and Eco Tourism Campsite. Halos kami lang ang tao that afternoon. Dumiretso kami sa may Mt. Kulis, medyo matarik ang daan pero sobrang worth it yung view!


Entrance fee: PHP 150/pax
As in few minutes bago lumubog ang araw saka kami dumating. Gusto kong bumalik dito. Marami pa silang mao-offer like Noah’s Ark, Lion Falls House, Summit Rock Formation, Twin Mountain Rock, at may sarili rin silang spiderweb trail. May ilan ding mga picturesque spot sa Mt. Kulis, nagkataon lang na may nagpprenup nung nagpunta kami, kaya di na kami pumunta roon. Babalik talaga ako rito! Haha

To know more about their services, you can check their website here.
I enjoyed our quick trip to Tanay, kahit medyo biglaan. Lalo ko na-appreciate yung beauty of nature na ginawa ni Lord. Lahat naman ng destinations namin ay maganda but my personal favorite was Fresno Agro. Hope this short blog helped you or at least gave you an idea kung anong meron sa Tanay. We also have a video travel diary on YouTube.
If you have questions about the trip or anything in general, feel free to reach out! Let’s stay connected in Facebook and Instagram!
Till next time!
Grachelle








